galaw ng orasan, tila kay bagal
subalit di mo kayang ibalik kahit segundo lang
itatak na sa isipan ang bawat sandali
wag mo itong sayangin sa maling pagbibigay ng sukli
ang kaba sa mga pangyayari ay iyo nang iwaksi
wag tatalikod, humakbang pasulong at lisanin mo ang dating gawi
kumuha ka ng lakas na nagmumula sa Poong Maykapal
wag mo siyang sisihin sa bawat sandaling ika'y nadapa at nahirapan
nais ko lamang ipahatid; tikman ang kaunting pagsilip
sa mga bagay na dapat ay wag ipagkakait
dahil tayo ay ginawa upang ngumiti
ngunit sa ating isipan tayo ay parating sawi
lugmok man sa pagdurusa ng nakaraan
sundan ang himig ng pagpapatuloy sa daan
at hayaan mong ika'y madala
dahil sa huli matatagpuan mo ang totoong saya
sana naman, sa kinabukasan
idilat ang mga matang nagbabalak ng magkaron muli ng kulay
luha man ang dumaloy ngiti ang nagsisilbing payong
manatiling matatag, itayo ang pahimlay ng pagkatao
san mo ba masusukat ang lahat?
sa kaibigan ba na laging nariyan sa tuwing ika'y lumuluha
sa pamilya mo bang buo at sama samang nakaupo na hapag
sa minamahal mong tila langit ay muntikan ng maabot
o kaya'y bilang isang taong kakatayo lang sa bawat pagsubok
napagtanto ko na maraming bagay ang naghihintay sa iyo
masakit man o kaiga-igayang maramdaman
tila ito ang bumubuo sa ating katauhan
sana lang wag natin ito sayangin
sapagkat mahalaga ang lahat...
kahit pa ang patak ng iyong luha
Wednesday, June 27, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)